Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) na maaari nang makapasok sa bansa ang mga dayuhang turista sa pagbubukas ng mga borders nito sa Pebrero 10.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nasa 157 bansa ang visa-free kabilang ang United States of America, South Korea, Japan, Australia, Canada, UK, Malaysia, at Singapore.
Dadag pa ni Morente, kailangan lamang ng turista na magpakita ng valid passport, at patunay na nabakunahan na sila laban sa COVID-19 at magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test sa loob ng 48 oras bago umalis sa bansang pinanggalingan.
Samantala, sinabi ng BI Commissioner, na hindi na kailangan na sumailalim sa quarantine ng mga bakunado habang ang mga partially vaccinated ay kailangan pa rin sumailalim sa quaratine protocols ng bansa. —sa panulat ni Kim Gomez