Isiniwalat ng Department of Budget and Management na may mga proyektong hindi naman kailangan na naisingit sa 2025 national budget.
Dahil dito, ayon kay DBM Undersecretary Goddess Hope Libiran, vineto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga proyekto para hindi masayang ang pondo ng gobyerno.
Sinabi rin ni Usec. Libiran na mismong ang Department of Public Works and Highways ang tumukoy kung alin sa mga proyekto ang hindi puwedeng ipatupad, dahilan upang alisin ito sa pambansang budget.
Kaugnay nito, tiniyak ng DBM Official na binusisi muna nang mabuti ang pondo para sa susunod na taon bago ito pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr. – Sa panulat ni John Riz Calata