Ilalabas ng Department of Budget and Management (DMB) ang isang bilyong piso ng mahigit apat na bilyong pisong karagdagang pondo na hiniling ng Department of Labor para sa mga gastos sa kwarantin ng Overseas Filipino Workers (OFW).
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Candac, isang bilyong piso ang iuukol ng DBM ngayong linggo.
Sa ilalim ng alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang mga fully vaccinated na Pilipino mula sa green countries o may low risk na COVID-19 cases ay hindi na kailangan ikwaratin sa halip ay dapat na magpepresinta ng negatibong resulta ng RT-PCR test.
Habang ang mga fully vaccinated na Pilipino mula sa yellow countries o may moderate risk ng COVID-19 ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine at negative RT-PCR test.
Hindi naman papayagang makapasok ng bansa ang mga nasa red countries o may high risk ng COVID-19 cases.
Inaasahan naman ni Cacdac na ang natitirang pondo ay matatanggap bago matapos ang taong 2021.—sa panulat ni Airiam Sancho