Ipinalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ngayong araw na ito ang special risk allowance ng 20,000 health care workers sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.
Kasunod na rin ito ng direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipalabas na ang nasabing benepisyo sa loob ng 10 araw.
Ayon kay Acting Budget Secretary Tina Rose Marie Canda, ang nasabing pondo sa ilalim ng Bayanhan 2 ay ibinalik sa Bureau of Treasury subalit na tustusan nila ang sra ng mga nasabing health care workers na hindi pa nabayaran sa ilalim ng Bayanihan 2 Law.
Inaasahan aniya nilang maido-download na ng DOH ngayong hapon ang nasabing pondo para sa SRA ng medical health workers na hinugot nila mula sa Miscellaneous and Personnel Benefit Fund (MPBF) para sa mga nasa gobyerno at itinuring namang unprogrammed fund ang nasabing benepisyo para sa mga nasa private sector.