Pumalag sa aniya’y ipit budget si Budget Secretary Wendell Avisado sa pondo ng ilang ahensya ng gobyerno para sa pagtugon sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Avisado dumadaan sa proseso ang mga request para sa pondo ng mga ahensya at walang problema sa pagre-release ng pondo.
Batid aniya ng mga cabinet secretary ang proseso gaya ng pagsusumite ng special budget request, budget execution document kasama na ang justification kung bakit kailangan ang budget bago ito i-evaluate.
Sinabi ni Avisado na hindi maaaring ibigay ang lahat ng pera kung mayroon pang nagagamit dahil ito aniya ang mandato nila sa aspeto ng budget management.