Wala pang natatanggap na P24 bilyon na dagdag na pondo ang Department of Agriculture mula sa bayanihan to recover as one.
Ito’y mahigit 1 buwan na simula nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang batas.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Rodolfo Vicerra, nagsumite na ang ahensya ng mga requirement sa DBM ngunit wala pang nare-release na pondo ito,
Dahil dito kinalampag ng mga senador ang DBM para sa agarang pagpapalabas ng dagdag na pondo para sa D.A
Sinabi ni Sen. Cynthia Villar, Chair ng Committee on Agriculture na kailangan nang maipasa ng DBM ang nasabing pondo dahil mapapaso na ang bayanihan 2 sa Disyembre 19, 2020.
Tiniyak naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na makararating sa bayanihan 2 Joint Congressional Oversight Committee ang mabagal na pag-release ng pondo sa D.A.
September 11 nang lagdaan ng Pangulo ang bayanihan 2 na nagbibigay ng COVID-19 relief package na nagkakahalaga ng P165.5 bilyon na ipakalalat sa iba’t ibang sektor na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.