Sa susunod na taon pa mararamdaman ang libreng edukasyon para sa lahat ng mga State Universities and Colleges makaraang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Free College Tuition Act.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, hindi retroactive ang bagong batas at wala ring dapat na expansion sa populasyon ng mga estudyante na naka-enroll sa 114 na SUC’S.
Aminado si Diokno na magkakaroon ng pagbabago sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon na una na nilang naisumite sa Kongreso para sa 16 na Bilyong Pisong alokasyon sa iba’t ibang scholarships sa mga estudyante.
Kasunod nito, sinabi ni Diokno na pangungunahan niya ang komite na babalangkas sa IRR o Implementing Rules and Regulations hinggil sa bagong batas.