Pinayuhan ngayon ng Department of Budget and Management ang publiko na huwag munang mamili ng mga produktong pang noche buena.
Paliwanag ni Budget Secretary Benjamin Diokno, ang maagang pamimili o ang pag-iimbak ng mga noche buena items ay makakadagdag pa sa inflation dahil sa pag-iisip na tataas ang mga bilihin.
Dahil dito, sinabi ng kalihim na huwag magpanic buying at baka mas mapamahal pa kung masisiraan ng mga panghanda sa pasko.
Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na bababa din ang inflation bago ang pasko.
Una rito, ipinabatid ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte na huhupa din ang inflation sa huling bahagi ng 2018 at babalik din ito sa target nilang 2 hanggang 4 percent sa susunod na taon.
Kalimitan sa mga piling produktong pang noche buena ang pasta, fruit cocktail, hamon, tomato sauce, mayonaise, keso at iba pa.