Naghihintay na ang Department of Budget and Management (DBM) ng direktiba mula sa Office of the President (OP) kaugnay sa ibibigay na cash assistance sa mga pamilyang maaapektuhan nang pagkakasa muli ng ECQ sa Metro Manila simula Agosto 6 hanggang 20.
Tugon ito ni Budget Secretary Wendel Avisado nang tanungin kung magbibigay ng ayudang pinansyal sa mga maaapektuhang residente.
Una nang inihayag ni NEDA Chief Karl Kendrick Chua na papalo sa P105-B kada linggo ang mawawala sa ekonomiya ng bansa sa pagsailalim muli sa ECQ ng Metro Manila.
Inamin din ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang budget ang gobyerno para mamahagi ng cash assistance kapag ipinatupad muli ang ECQ sa Metro Manila.