Naglaan ng 2.5 billion pesos na pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para paghusayin ang mga paliparan sa buong bansa.
Ito’y alinsunod sa nais ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na palakasin ang transportation infrastructure sa Pilipinas.
Sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program (NEP), itinaas ng DBM ang budget ng Department of Transportation (DOTr) sa 120.4% o katumbas ng 167.1 billion pesos mula sa 75.8 billion pesos na pondo ngayong 2022.
Maliban sa mga malalaking railway at road transport project ang pagsasamoderno ng aviation project ay tututukan din ng pamahalaan.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa improvement ng mga naturang proyekto, maipatutupad aniya ang mga direktiba ni Pangulong Marcos Jr. na Build Better More (BBM).