Aabot sa mahigit P1-B ang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) para sa compensation ng Healthcare workers at Non-Healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 sa gitna ng pandemya.
Batay sa pahayag ng DBM, makakatanggap ng P15-K ang mga nasabing indibidwal na nagkaroon ng mild o moderate COVID-19 infection.
P100-K naman ang ipapamahagi sa mga tinamaan ng severe o critical infection ng COVID-19 habang P1-M ang ibibigay sa mga pamilya ng HCWs o Non-HCWs na namatay dahil sa nabanggit na sakit.
Samantala, nakabase sa criteria ng Health department sa ilalim ng DBM-DOH circular no. 2022-0002 ang COVID-19 classification ng eligible HCWs at Non-HCWs para sa naturang benepisyo.