Nagpalabas ang DBM Department of Budget and Management ng mga bagong panuntunan kaugnay sa pagpapalabas at paggamit ng LGSF-FA to LGUs o Local Government Support Fund-Financial Assistance to local government units and support for local programs sa ilalim ng 2023 general appropriations act.
Ayon kay budget secretary Amenah Pangandaman, tuluy-tuloy ang pagbuo ng mga hakbangin ng DBM para epektibong maipatupad ang digital transformation at ease of doing business, bilang suporta na rin anya sa 10 point priority agenda ng Marcos administration.
Maging sila anya sa DBM ay nagpapatupad na ng digitalization kabilang ang pagsusumite ng request for financial assistance sa ilalim ng local government support fund.
Sinabi ni Pangandaman na tiwala silang sa pamamagitan ng mga bagong panuntunan ay matutulungan nilang mapadali ang proseso para sa pagre request ng pondo ng LGUs upang maikasa na ang programa ng mga ito.
Batay sa mga bagong guidelines, ang pagsusumite ng request for financial assistance ang chargeable sa LGSF-FA to LGUs ay maaari lamang gawin sa pamamagitan ng DRSL o Digital Requests Submission for Local Government support fund na nasa DBM apps portal.
Lahat ng mga isusumiteng dokumento sa iba pang hindi otorisadong paraan ay otomatikong maibabasura lang.
Ang LGSF-FA to LGUs ay uubra lamang gamitin hanggang December 31, 3024.