Nakapagpalabas na ng mahigit sa P1.9-B pondo ang Department of Budget and Management (DBM) para sa Department of Health (DOH).
Ayon sa DBM, inilaan ang pondo para sa pagbili ng mga reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) testing kits.
Dagdag ng DBM, alinsunod ang pagpapalabas ng pondo sa section 4 ng bayanihan to heal as one act kung saan kinuha ito mula sa savings ng pamahalaan.
Samantala, sinabi ng DOH, ipamamahagi ang mga bibilhing test kits sa 68 laboratoryo na inaasahang masesertipikahan na ng ahensiya.
Tinataya naman anilang aabot sa 918,000 libong tests ang masasagawa nito.