Nakatakdang isumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa kamara ang National Expenditure Program (NEP) para sa taon 2023 o ang panukalang pambansang pondo sa darating na Lunes, August 22.
Batay sa abiso ng kamara, pangungunahan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang pagpasa ng NEP kay House Speaker Martin Romualdez alas diyes ng umaga na susundan ng presentasyon ng DBM ukol sa nilalaman nito sa Lunes.
Nauna nang inihayag na nasa 5.268-trillion pesos ang panukalang budget para sa susunod na taon na siyang kauna-unahang pambansang pondo sa ilalim ng Marcos Jr. administration.
Habang nauna na ring tiniyak ng mga lider ng mababang kapulungan ang maayos at mabilis na pag-apruba sa 2023 national budget alinsunod sa timeline itinakda nito. – sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11)