Karagdagang 46 billion pesos ang kailangan ng Department of Budget and Management (DBM) para sa social pension ng halos walong milyong indigent senior citizen.
Ito ang inamin ni DBM Assistant Secretary Nihal Abdulrauf sa budget hearing sa kongreso matapos maisabatas ang dagdag P500 monthly social pension ng mga lolo’t lola.
Ayon kay Abdulrauf, base sa 2015 census, kabuuang 7.9 million ang bilang ng senior citizen sa bansa, kabilang na rito ang 3.8 million na indigent o mahirap na may nakalaan nang 46 billion pesos.
Gayunman, kung isasama aniya lahat ng senior citizen sa bansa lolobo sa 92 billion pesos ang kailangang pondo o karagdagang 46 billion pesos para sa social pension. —sa panulat ni Jenn Patrolla