Cooperative intervention at hindi pork barrel ang ipatutupad ng administrasyong Duterte kapag naipasa ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Ito ang binigyang diin sa DWIZ ni Budget Secretary Benjamin Diokno makaraang pabulaanan ang mga balitang may pork barrel provisions sa panukalang budget.
Paliwanag ni Diokno, maaari namang tumukoy ng mga proyekto ang isang mambabatas mula sa kanyang hinahawakang distrito ngunit, kailangan niya itong ideretso sa mga concerned agencies para sa pagpapatupad nito.
Bahagi ng pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno
Sa panig naman ng lokal na pamahalaan, sinabi ni Diokno na maaari nitong gamitin ang internal revenue allotment o IRA para pondohan ang kani-kanilang mga proyekto na nagkakahalaga ng halos kalahating trilyong piso.
Giit ng Kalihim, dahil sa pinasan na ng national government ang pagpopondo para sa health at social services tulad ng PhilHealth at Conditional Cash Transfer, may sapat na pondo na ang mga LGU para magpatupad ng kanilang mga proyekto.
Bahagi ng pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno
By Jaymark Dagala | Karambola