Ipinauubaya na ng Department of Budget and Management o DBM sa Local Government Unit o LGU ang pamamahagi ng isang libong pisong halaga ng ayuda sa mga residenteng naapektuhan ang hanapbuhay ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, ang LGUs na ang bahala kung nais nila itong ibigay sa kanilang mga residente na cash o in kind kung saan sila na mismo ang mamimili ng mga pangunahing pangangailangan sa halagang isang libong piso.
Kasabay nito, nagpaalala si Avisado sa mga lokal na pamahalaan na ang naturang tulong pinansyal ay para sa mga talagang nangangailangan at hindi sa kung kanino mang bulsa.