Tututukan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagiging bukas ng gobyerno sa paggamit ng digitalization sa ilalim ng Marcos Administration.
Ayon kay Budget secretary Amenah Pangandaman, ang Budget and Treasury Management System (BTMS) ang mangunguna sa naturang sistema na magsisilbing online ledger sa lahat ng transaksyon ng gobyerno mula sa pagpaplano hanggang sa paglalabas ng pondo.
Dahil dito, makikita ng publiko ang lebel ng budget o ang mga nailalabas na pondo ng gobyerno maging ang natitirang balance sa budget ng pamahalaan.
Samantala, siniguro naman ni Pangandaman na magiging tranparency o malinis ang mga transaksyon ng gobyerno sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.