Hawak pa rin ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondong para sa mga magsasakang apektado ng El Niño.
Isinawalat ni Department of Agriculture Undersecretary Emerson Palad na ang hinihiling nilang pondong iyon ang gagamitin sana ng mga magsasaka upang malabanan ang epekto ng matinding tagtuyot.
Ngunit dahil, aniya, bigo ang DBM na ilabas ang nasabing pondo, sa regular fund muna ng Agriculture Department humugot ang ahensya para sa mga magsasaka.
Mula sa higit 57 billion pesos na regular fund ng agriculture, naglaan ng higit P3 billion pesos bilang quick response fund.
Ayon kay Palad, ang nasabing, halaga ang ginamit ng Department of Agriculture upang tugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka, partikular sa pagsasagawa ng cloud seeding operations hanggang sa production supports.
Samantala, sinabi ni Palad na dalawang beses nagtungo sa Kidapawan, North Cotabato si Agriculture Secretary Proseso Alcala upang personal na alamin ang problema ng mga magsasaka.
By Avee Devierte