Kumpiyansa ang Department of Budget and Management (DBM) na maaabot ng Pilipinas ang target nitong 6% hanggang 7% na paglago ng Gross Domestic Product (GDP) ng ekonomiya para sa susunod na taon.
Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ito’y makakamit sa pamamagitan nang pagsasanib-pwersa ng national government para buksan ang lahat ng industriya at isulong ang paglago sa lahat ng sektor.
Kabilang aniya sa mga hakbang na ito ay ang pagpapatupad ng domestic economy sa gitna ng epekto ng pandemya at iba pang geopolitical tentions.
Dagdag pa nito na kasama rin ang pagsusulong ng administrasyon sa investments upang pondohan ang development programs nito at pagpapalakas sa mga programa sa ilalim ng public private partnership (PPP).
Ayon kay Pangandaman, titiyakin ng kanilang hanay na maagang mailalabas ang mga kakailanganing pondo sa ilalim ng 2023 National Budget.