Umalma si Budget Secretary Wendel Avisado sa panukalang magpabakuna muna bago mabiyayaan ang mga kasali sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program 4p’s.
Sa gitna na rin ito ng report na mayorya ng mga Pilipino ay tumatangging magpabakuna laban sa COVID-19.
Ayon kay Avisado,hindi tamang gawing compulsory ang pagpapabakuna para sa mga tatanggap ng biyaya sa ilalim ng 4p’s dahil wala itong basehan sa ilalim ng batas.
Ang pahayag aniya ng Pangulo ay dapat magpa bakuna sana ang lahat para sa kanilang kabutihan subalit kung ayaw ng iba ay hindi sila dapat munang lumabas para hindi maapektuhan ng virus.
Una nang pinalutang ni Presidential Spokesman Harry Roque ang bakuna muna bago 4p’s dahil sa mababang porsyento pa ng mga nagpapaturok kontra COVID 19.