Nag-positibo sa COVID-19 si Budget and Management Officer in Charge Usec. Tina Rose Marie Canda.
Ayon mismo kay Canda, asymptomatic siya o walang nararanasang anumang sintomas ng COVID-19.
Nakatakda aniya siyang magpa re-swab bukas araw ng Martes.
Ang pagiging positibo sa COVID-19 ni Canda ang siya ring dahilan kung bakit hindi ito nakadalo sa isinagawang pagsusumite ng DBM sa 2022 national expenditure program ngayong araw.