Inilagay na sa double red alert ang Davao City Police Office o DCPO upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa mga masasamang elemento sa pagpasok ng bagong taon.
ginawa ang naturang hakbang dahil sa sinasabing Intelligence report kung saan binanggit na may grupo umano na gustong manggulo sa selebrasyon ng New Year.
Subalit, minaliit lamang ni Police Chief inspector Milgrace Driz ang ulat at sinabing nakabantay ang buong pwersa ng pulisya para sagkaan ito.
Giit ni Driz, titiyakin ng mga awtoridad na magiging mapayapa ang pagdiriwang ng bagong taon sa nasabing lungsod.
By: Jelbert Perdez