Pumalag ang Davao City Police Office sa pahayag ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas na kathang-isip lamang ang peace and order situation sa lungsod.
Ayon sa DCPO, mula sa 18,119 crime volume sa Davao City noong 2014, 6,548 o 36 percent ang iniuugnay sa index crime o krimen laban sa mga tao at ari-arian.
Ang nalalabing 11,571 o 64 percent ay maiuugnay sa non-index crimes ang mga police-initiated operation na nagiging daan sa isang positibong resulta lalo sa anti-drugs, special laws at city ordinances.
Iginiit ng DCPO na ang kanilang mga statistika ang nagpapatunay na puspusan ang trabaho ng kanilang mga kasama upang mapanatiling ligtas laban sa mga kriminal ang Davao City.
By: Drew Nacino