Binigyan ng senado ang Dangerous Drugs Board o DDB ng 15 milyong piso para alamin kung gaano kadami ang mga gumagamit ng iligal na droga.
Ayon kay Senador Ping Lacson, vice – chairman ng Senate Committee on Finance, kailangang alamin ng DDB ang bilang ng mga drug addict para maging tugma dito ang anti-drug program ng gobyerno at maiwasang magkalituhan.
Matatandaan na ilang ulit nang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na apat na milyon na ang mga drug addict sa buong bansa kaya’t agresibo siya sa kampanya laban sa iligal na droga.
Gayunman, kinontra ito ni dating DDB Chairman Benjamin Reyes na nagsabing 1.8 milyon lamang ang mga drug addict.