Nakahanda si Chairman Dionisio Santiago ng Dangerous Drugs Board o DDB na magbalik bilang direktor ng BuCor o Bureau of Corrections.
Ayon kay Santiago, susunod lamang siya kung magpasya ang Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay siya sa BuCor batay sa rekomendasyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Aminado si Santiago na bahagya lamang niyang nasawata ang illegal drugs trade sa loob ng New Bilibid Prison noong una siyang manungkulan bilang direktor ng BuCor sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Isa sa nakikita niyang malaking problema ang ay ang malaking suplay pa rin ng droga na nakakalat sa labas ng NBP.
“Ang importante diyan sa mga taong yan ay makapag-communicate eh, they may not necessarily do their manufacturing sa loob pero marami pa ring gumagalaw sa labas eh, andiyan yung network, best effort tayo dito, kailangan talaga natin ng help ng law enforcement kagaya ng PDEA.” Ani Santiago
Samantala, sumiklab ang galit ni Santiago sa ulat na ilang dating tauhan niya sa PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang kumikilos para buhayin ang kaso laban sa kanya at harangin ang kanyang appointment sa pamahalaan.
Tinukoy ni Santiago si dating PDEA at dati ring BuCor Deputy Diector Rene Orbe na tumayong testigo sa isinampang kaso laban sa kanya subalit ibinasura rin ng korte.
Kung tutuusin ang grupo anya ni Orbe at resigned BuCor Chief Benjamin delos Santos ang pasimuno sa mga kalokohan sa loob ng pambansang piitan.
“G*go yang mga yan kaya sila ang bumabara sa akin, they are reviving my case , magalit na sila pero hindi nila mapipigil ang bunganga ko, we cannot stop the drugs in the Philippines id some people who are appointed are into drugs, naimbestigahan na yan they made money out of the inmates diyan, sila ang responsible ng transfer ng inmates from Maximum to Medium.” Pahayag ni Santiago.
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
DDB Chief Santiago handang muling pamunuan ang BuCor was last modified: July 18th, 2017 by DWIZ 882