Iginagalang ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang naging desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin si Vice President Leni Rorbedo bilang co – chair ng ICAD.
Ayon kay DDB Chairperson Catalino Cuy, nagtitiwala sa naging desisyon ni Pangulong Duterte.
Siniguro naman ni Cuy na patuloy ang kanilang magiging trabaho sa DDB.
To perform and do our mandate which is Palace making, and yung ating trabaho yung ating task na gagawin is already laid out dun sa ating Philippine anti-drug strategy na mahigit isang taon na natin in-adopt since October 20, 2018. So, tuloy-tuloy naman tayo at we will not be affected by, itong mga development na ito,” ani Cuy. — sa panayam ng Ratsada Balita.