Naglabas ng bagong listahan ng mga itinuturing na iligal na droga ang DDB o Dangerous Drugs Board.
Sa updated dangerous drugs list ng DDB, kanilang isinama ang mga halamang nagtataglay ng Gamma-Butyrolactone o GBL na ginagamit namang sangkap sa paggawa ng iligal na droga.
Ayon sa DDB, kabilang ang substance na GBL sa listahan ng 1961 Single Convention on Narcotic Drugs at 1971 Single Convention on Pyschotropic Substance.
Dagdag ng DDB, ginagamit din ang GBL bilang sangkap sa paggawa ng tinatawag na “date rape drug” at inihahalo sa mga nakalalasing na inumin.
Karaniwang nagreresulta ito sa pag-antok, pagkalito at pagkahilo.