Ipinanawagan ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa mga kinauukulan na bumuo ng agarang aksyon para mailayo ang mga mahihirap na sektor sa epekto ng iligal na droga.
Ito ay inihirit ng ahensya kasabay ng selebrasyon ng drug abuse prevention and control week sa bansa sa pakikipagtulungan sa Philippine National Police (PNP) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi naman ni DDB Chairperson Catalino Cuy na kailangan pang paigtingin ang mga programa sa pag-iwas at pag-kontrol sa pag-abuso sa droga, paggamot at rehabilitasyon pati na rin ang supply reduction programs.
Magsasagawa naman ng iba’t ibang advocacy at information programs ang mga lokal na pamahalaan sa buong linggo bilang partisipasyon sa naturang selebrasyon. – sa panunulat ni Hannah Oledan