Kumpyansa si Tourism Undersecretary Katherine De Castro na may ibubuga ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe Pageant na si Maxine Medina.
Sa programang “Balita Na Serbisyo Pa” ng DWIZ, sinabi ni De Castro na bagaman tila mahiyain pa si Medina noong mga unang araw ng pre-pageant, humusay at naging palaban ang kinatawan ng Pilipinas noong sa Preliminary Competition.
“Talagang nag shine siya (si Maxine Medina) kung baga sa lahat ng mga contestant masasabi ko na si Maxine Medina isa siya sa talagang inaabangan ng mga tao”, pahayag ni De Castro.
Dagdag pa ni De Castro, maraming nag-cheer kay Medina ultimo fans ng ibang mga kandidata.
Kaya mas mainam aniyang suportahan na lang ang pambato ng Pilipinas kaysa ibash ito.
“Sana yung mga pumupuna sakanya eh imbes na magsalita na lang ng kung ano-ano, suportahan na lang natin ang ating kandidata kase ang sinusuot ng sash nakalagay Philippines, nire-represent niya tayong lahat, suportahan na lang natin siya”, ani De Castro.
By: Avee Devierte / Race Perez
Photo Credit: Usec. Kat De Castro's Instagram
Credits to: Balita Na Serbisyo Pa program ng DWIZ mapapakinggan tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:00 PM to 7:00 PM kasama sina Jun Del Rosario at Mariboy Ysibido