Muling sasampa sa ring ang retiradong six-division boxing champion na si Oscar De La Hoya.
Ayon sa 47-anyos na boksingero, kukunin niyang trainer para sa kanyang comeback fight si Floyd Mayweather Sr.
Naniniwala si De La Hoya na kayang ibalik ni Mayweather ang lakas at bilis niya sa ibabaw ng parisukat na lona.
Huling sumampa sa ring si De La Hoya noong 2008 kung saan dinurog siya ni Sen. Manny Pacquiao sa pamamagitan ng eight-round technical knockout na naging dahilan ng kanyang pagreretiro.