Matapos ang 20 taon, nakapasok na sa finals ng NCAA Season 98 ang De La Salle-College of St. Benilde (CSB).
Ito ay matapos talunin ng CSB ang San Beda University sa score na 62-62 sa kanilang paghaharap kanina sa Fil-Oil Eco-Oil Centre.
Nanguna sa panalo si Miguel Oczon na may 17 points at 6 rebounds, at si James Pasturan na may 16 points at 4 boards.
Makakalaban ng CSB ang sinumang magwawagi sa laban sa pagitan ng Colegio De San Juan De Letran at Lyceum of the Philippines University (LPU).