Kinasuhan na ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) si Senadora Leila de Lima at 6 na iba pa hinggil sa paglabag umano sa Dangerous Drug Act of 2002.
Ayon kay VACC Chairman Emeritus Dante Jimenez, kumbinsido silang guilty si De Lima sa nangyayaring drug trafficking sa New Bilibid Prison (NBP).
Bahagi ng pahayag ni VACC Chairman Emeritus Dante Jimenez
Maliban kay De Lima, kinasuhan din ng grupo ni Jimenez sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan, dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu, dating staff ni Bucayu na si Wilfredo Ely, security aide na si Joenel Sanchez, driver ni De Lima na si Ronnie Dayan, Jose Adrian de Vera at ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian na tumestigo sa Kamara kahapon.
Bahagi ng pahayag ni VACC Chairman Emeritus Dante Jimenez
Samantala, hindi inaalis ni Jimenez ang posibilidad na madagdagan pa ang mga makasuhan sa nangyayaring operasyon ng iligal na droga sa Bilibid.
Bahagi ng pahayag ni VACC Chairman Emeritus Dante Jimenez
By Ralph Obina | Bert Mozo (Patrol 3)