Hinimok ng international group na ASEAN Parliamentarians for Human Rights o APHR ang pamahalaan na tigilan na ng lahat ng uri ng harassment na ginagawa nito laban sa mga tagapagtanggol ng karapatang pantao at mga mamamahayag sa bansa.
Ang panawagan ng APHR ay kasabay ng malugod na pagtanggap kay Senadora Leila De Lima bilang pinakabago nilang miyembro.
Ayon sa grupo, naging bahagi ng APHR si De Lima dahil sa matibay nitong adbokasiya para maitaguyod ang hustisya, karapatang pantao at demokrasiya sa Pilipinas.
Samantala, binigyang diin naman ng grupo na nagpapakita ng paghina ng demokrasiya at rule of law sa Pilipinas ang patuloy na pagkakakulong ni De Lima.
Ang APHR ay isang grupo na binubuo ng mga halal na mambabatas mula sa ruling at opposition parties sa ASEAN region.
Opposition Senator Leila M. de Lima was introduced as the newest member of the ASEAN Parliamentarians for Human Rights (@ASEANMP) in recognition to her strong advocacy in promoting justice, human rights and democracy in the Philippines.
READ: https://t.co/N6QiXjwqZM
— Leila de Lima (@SenLeiladeLima) February 16, 2019