Binasahan na ng sakdal sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 sina Senador Leila de Lima at dating driver bodyguard nitong si Ronnie Dayan.
Kaugnay ito sa kasong conspiracy to commit illegal drug trading noong 2012 na isinampa ng Department of Justice (DOJ).
Hindi nagpasok ng plea si De Lima sa halip ay iginiit na hindi niya kinikilala ang anya’y pawang gawa-gawang kaso laban sa kanya.
Samantala, not guilty naman ang ipinasok na plea ni Dayan na humarap sa korte kahit walang abogado.
Itinuloy na ang pagdinig sa pre-trial ng kaso kung saan naghain ng kani-kanilang stipulations ang magkabilang panig.
Magkakaroon ng marking of evidence at hearing sa February 8 at muling ipagpapatuloy ang pagdinig sa Pebrero 22.
—-