Tapos nang dinggin ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) ang mga inihaing mosyon ng kampo ni Senador Leila De Lima at ng DOJ o Department of Justice may kaugnayan sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Binigyan ni Muntinlupa RTC Branch 205 Judge Amelia Fabros-Corpuz ang panig ni De Lima ng 10 araw upang magsumite ng reply sa komento ng DOJ sa motion to quash at motion for determination of probable cause.
10 araw naman ang ibinigay sa justice department para magsumite ng sagot kung kinakailangan.
10 araw din ang ibinigay ng korte sa depensa para magkomento sa inihaing mosyon ng DOJ upang i-consolidate ang mga kaso.
Itinakda ng korte sa Abril 21 ang susunod na pagdinig.
By Meann Tanbio