May panibagong banat na naman si Senadora Leila de Lima laban kay Pangulong Duterte.
Sa panayam ng CNN International kay De Lima, tahasang sinabi ng senadora na hindi angkop maging punong ehekutibo si Pangulong Duterte na nagsusulong aniya ng mga pagpatay sa bansa.
Iginiit ni De Lima na maaaring ma-impeach ang Pangulo dahil sa culpable violation of the constitution at betrayal of public trust matapos umaming siya mismo ang pumapatay sa mga kriminal noong alkalde pa ito ng Davao.
Binigyang diin ni De Lima na ang high crimes ay basehan aniya para sa impeachment sa ilalim ng ating Saligang Batas.
“That is a culpable violation of the constitution, that is betrayal of public trust, and that constitute high crimes, because these are mass murders, mass murders certainly fall under the category of high crimes, and high crimes is a ground for impeachment under a constitution.” Pahayag ni De Lima
By Ralph Obina