Iginiit ng Minority bloc senators na dapat payagang makadalo sa mga sesyon sa senado si Senador Leila De Lima na kasalukuyang nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center.
Ayon sa mga senador, hindi dapat ituring na flight risk si De Lima dahil boluntaryo itong sumuko sa mga otoridad matapos isilbi ang warrant of arrest laban dito.
Maliban dito ayon sa mga opposition senators, patuloy pa rin na ginagampanan ni De Lima ang kaniyang trabaho tulad ng pagpasa ng mga panukalang batas kahit pa ito ay nakakulong.
Kabilang sa mga senador na lumagda sa nasabing resolusyon sina Minority Floor Leader Franklin Drilon, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Francis Pangilinan at Antonio Trillanes IV.
Si De Lima ay nakulong matapos idiin na protektor ng illegal drug trade sa NBP o New Bilibid Prison.