Pinawi ng isang mambabatas ang pangamba na si Senadora Leila de Lima ang magiging buena manong sasalang sa parusang bitay sa sandaling maisabatas na ito.
Ito ang pagtitiyak ni House Deputy speaker at Capiz Representative Fredenil Castro makaraang limitahan na lamang sa drug related crimes ang maaaring patawan ng parusang kamatayan.
Ayon kay Castro, hindi tugma ang kinahaharap na kaso ni De Lima sa isinusulong na panukala kaya’t malabo aniyang masampolan ang senadora.
Binigyang diin pa ng mambabatas na walang retroactive effect sa isang krimen ang nangyari bago pa man maaprubahan ang isang batas at ito aniya’y nakasalig sa konstitusyon.
By Jaymark Dagala