Pinalalabas lamang ng administrasyong Duterte na palpak ang Aquino administration kaya nito planong imbestigahan ang mamasapano incident.
Ito ang nakikitang motibo ni Senadora Leila De Lima sa hangarin ng Pangulo na lumikha ng truth o independent commission na mag-iimbestigang muli sa naturang insidente.
Giit ni De Lima, hindi karapat-dapat na mag-utos ng imbestigasyon sa isang isyu si Pangulong Duterte dahil pinangungunahan niya ang resulta.
Ombudsman, aniya, ang mas akmang magsagawa ng dagdag na imbestigasyon sa Mamasapano incident.
By: Avee Devierte / Cely Bueno