Iginawad ng Liberal International kay Senador Leila De Lima ang Prize For Freedom Award, ang pinakamataas na human rights honor ng samahan.
Si Senador De Lima ang ikalawang Pilipino na ginawaran ng naturang parangal kasunod ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1987.
Mahigit sa 100 pulitiko mula sa 32 mga bansa ang bumoto para igawad ang parangal kay De Lima na tinawag nilang “political prisoner”.
Ayon kay Markus Loning, chairman ng Liberal International Human Rights Committee, si De Lima ang naging simbolo ng karapatang pantao sa Pilipinas at naging magandang ehemplo para sa lahat ng nagtataguyod ng human rights.