Nanawagan si Sen. Leila De Lima sa CHR o Commission on Human Rights na magkaroon ng nagkakaisang paninindigan hinggil sa pinagdadaanang krisis ng demokrasya o yung malawakang paglabag sa karapatang pantao.
Ginawa ito ng senadora, kasunod ng pagdiriwang ng komisyon ng kanilang ika – 30 anibersaryo.
Hinimok din ng senadora ang CHR na patuloy na ipaglaban ang kapakanan at karapatan ng publiko na madalas ay nagiging biktima ng kawalan ng hustisya.
Bilang dating chairman ng CHR, batid aniya niya ang pangangailangan ng tanggapan para maging mas epektibo sa paggampan sa kanilang tungkulin.
Kaugnay nito, isinusulong ng senadora ang panukalang batas na magpapalakas sa CHR bilang national human rights institution, na mayroon din sariling charter.
By Katrina Valle |With Report from Cely Ortega – Bueno