Humirit ng furlough si Senadora Leila De Lima sa Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) Branch 205.
Sa kanyang inihaing urgent motion, hiniling ni de lima na payagan siyang makalabas ng kulungan sa Mayo 13 mula ala siyete hanggang alas dos ng hapon para makaboto bilang bahagi ng kanyang karapatan.
Tiniyak naman ng kampo ni De Lima na sasagutin nila ang gastusin sa kaniyang pagbihaye mula PNP Custodial Center sa kampo krame patungong Sta. Rita School sa Parañaque City kung saan siya nakarehistro.
Magugunitang, ikinulong si De Lima noong February 2017 dahil sa umano’y pagkakasangkot sa transaksyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) noong ito ay Justice secretary pa lamang.