Ipinagtanggol ni Senadora Leila de Lima ang media hinggil sa pagmura at pagbanat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ito.
Ayon kay De Lima, ang Pangulo at ang mga kapanalig nito ang silang dapat na binabatikos.
Giit ng Senadora, lahat na lamang ay sinisisi ng Pangulo maliban ang sarili nito na ang ugali ay galit sa anumang kritisismo.
Binigyang diin ni De Lima na bakit pagbubuntungan ng pangulo ang mga media gayong ang may problema ay walang iba aniya kundi ang Pangulo.
Matatandaang isa sa mga kritiko ng Pangulo si De Lima na nag-ugat sa pagbusisi ng Senadora sa isyu ng Davao Death Squad (DDS) na iniuugnay kay Duterte ng alkalde pa ito ng Davao City.
By Ralph Obina