Emosyonal na nagbulalas ng sama ng loob si Senadora Leila de Lima sa patuloy umanong pangha-harass na kanyang nararanasan mula sa administrasyong Duterte.
Ayon sa senadora, dahil sa nangyaring riot sa Bilibid, tiyak aniyang sa kanya na naman isisisi ito at palalabasing nais niyang patahimikin si Jaybee Sebastian upang hindi mapatunayan ang kanyang pagkakasangkot sa operasyon ng iligal na droga sa Bilibid.
Naniniwala si De Lima na marami ang nagtutulong-tulong para siya ay siraan dahil sa marami aniya sa mga ito ay kanyang nakasuhan at naipakulong noong siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ).
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
Hamon ni De Lima sa Pangulong Rodrigo Duterte….
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
Samantala tiniyak naman ni De Lima na hindi siya aalis ng bansa at haharapin niya ang mga kasong posibleng isampa laban sa kanya.
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
NBP ‘riot’
Samantala, naniniwala si Senadora Leila de Lima na ang administrasyong Duterte ang nasa likod ng nangyaring saksakan sa New Bilibid Prison (NBP) kung saan sangkot ang mga high profile inmates.
Patay sa insidente ang Chinese drug lord na si Tony Co habang sugatan din ang iba pang big time drug lord na sina Peter Co, Vicente Sy at Jaybee Sebastian na kabilang sa Bilibid 19.
Iginiit ni de Lima na paraan ito ng administrasyon upang takutin at pilitin ang Bilibid 19 na tumestigo laban sa kanya upang tuluyang madiin sa umano’y pagkakasangkot nito sa operasyon ng iligal na droga sa Bilibid.
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
Kasabay nito, nananawagan si De Lima sa Malacañang na itigil na ang karahasang ito.
Bahagi ng pahayag ni Senator Leila de Lima
By Ralph Obina | Cely Bueno (Patrol 19)