Sinopla ni Senadora Leila De Lima si Ombudsman Samuel Martires matapos tumanggi sa paglabas ng Statement of Assets, Liabilities at Net Worth (SAL-N) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa senadora, dapat ay interes ng publiko ang pinangangalagaan ni Martires at hindi ng mga opisyal ng pamahalaan.
Aniya, sa ginawa nito ay tila bumaliktad umano ito sa tungkulin na protektahan ang publiko.
Magugunitang ibinulgar ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na hindi nakapagsumite ng SAL-N ang pangulo ilang buwan bago ang huling araw ng filing nito.