Kumbinsido ang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal na hindi masisibak sa puwesto si Senador Leila de Lima sa kabila ng matitinding akusasyon laban sa kanya kaugnay sa umano’y illegal drugs trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Macalintal, mahabang proseso ang pagdaraanan sakaling mapatunayan ang akusasyon at idiskwalipika si De Lima ng Commission on Elections (COMELEC).
Bahagi ng pahayag ni Atty. Romulo Macalintal
Sinupalpal naman ni Macalintal ang supporters ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa isyu ng posibleng pag-upo nito bilang senador sakaling matanggal si Senador Leila de Lima.
Ayon kay Macalintal, dadaan sa eleksyon sakaling magkaroon ng bakante sa senado at ito ay isinasabay regular na eleksyon.
Bahagi ng pahayag ni Atty. Romulo Macalintal
By Drew Nacino | Len Aguirre | Balitang Todong Lakas