Binuweltahan ni Senador Leila De Lima si Justice Secretary Vitalliano Aguirre matapos siyang sisihin ng kalihim sa leakage ng pagbasura ng DOJ prosecution sa drug cases nina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co.
Sa kanyang sulat kamay na press release mula sa kanyang kulungan sa kampo krame, sinabi ni De Lima na hindi dapat ipinapasa ni Aguirre sa iba ang kanyang kahangalan at kung kumita man siya sa pag-abswelto sa drug lords, dapat ay panindigan niya ito.
Binigyang diin ni De Lima na hindi niya kasalanan kung lumaking hangal si Aguirre.
Itinanggi ni De Lima ang akusasyon ni Aguirre na posibleng sinabotahe siya ng ilang tao sa doj na nananatiling tapat kay De Lima noong kalihim pa ito ng DOJ.
Imposible aniyang mangyari ito dahil sa loob ng halos 400 araw niya sa kulungan, walang kahit isang tauhan ng DOJ ang dumalaw sa kanya.
Puwede aniyang ikinahihiya nila ang nangyayari ngayon sa DOJ, o hindi na siya kayang tingnan ng mga ito sa mata o kaya naman ay natatakot sa kahihinatnan nila sa Duterte administration sakaling malaman na dumalaw ang mga ito sa kanya.
Dispatch from Crame No. 267: Sen. Leila M. de Lima’s Statement raising more questions on DOJ’s dismissal of drug trade charges vs. Kerwin Espinosa et al.
READ full text here: https://t.co/YROXLXOy3Q pic.twitter.com/XJS6wmAI3U
— Leila de Lima (@SenLeiladeLima) March 19, 2018
Dispatch from Crame No. 268
Sen. De Lima on Aguirre’s claim of alleged leak of DOJ document dismissing charges against drug lords:
“Mr. Aguirre, ipinakulong mo na ako at lahat, kasalanan ko pa rin ang iyong kapalpakan?”
READ: https://t.co/o5uFhNTIIT#FakeDrugWar#FreeLeilaNow pic.twitter.com/6aldRad9AJ
— Leila de Lima (@SenLeiladeLima) March 19, 2018