Humarap sa ikalawang pagdinig ng Kamara ukol sa operasyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) ang commander ng Genuine Ilocano Group na si Noel Martinez.
Sa salaysay ni Martinez sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, itinuro nito ang lider ng Sigue Sigue Commando na si Jaybee Sebastian na siyang inuutusan ng noo’y Justice Secretary na si Senadora Leila de Lima para mangalap ng pondo sa Bilibid para sa intensyong tumakbo sa pagka-senador ng kalihim sa 2016 elections.
Dahil dito, inatasan aniya siya ni Sebastian maging ang iba pang lider ng grupo sa Bilibid na magbenta ng droga kapalit ng proteksyon at special treatment.
Bahagi ng pahayag ni Noel Martinez
Sinabi ni Martinez na ang sabihin ni Sebastian ay batas aniya sa Bilibid.
Bahagi ng pahayag ni Noel Martinez
Kwento ni Martinez, tumutulong siya noon kay Sebastian para sa pangangalap ng pondo ni De Lima sa pamamagitan ng pagre-refer ng mga magbebenta ng iligal na droga sa labas ng Bilibid.
Tinukoy din ni Martinez ang mga drayber ni De Lima na siyang kumukubra umano sa kita mula sa iligal na bentahan ng droga sa Bilibid.
Bahagi ng pahayag ni Noel Martinez
Samantala, ibinunyag naman ni Jojo Baligad ang naging kalakaran sa NBP kapalit ng malaking halaga na sinimulan niyang ibigay kay Herbert Colanggo noong January 2013.
Sinabi ni Baligad na mula January 2013 hanggang September 2014 ay halos 4 million pesos na ang naibigay niya kay Colanggo at iba pa at malaking bahagi aniya rito ay napunta direkta kay De Lima.
Batay pa sa kuwento ni Baligad, noong 2014 ay tatlong beses siyang hiningan ni Colanggo ng tig-500 thousand pesos na para umano aniya kay De Lima.
Inamin ni Baligad na napilitan siyang magbenta ng droga para mayroong maiabot kay Colanggo.
Sa mga panahong ito aniya ay hindi kinukumpiska ang mga kontrabado tulad ng shabu, marijuana, cp, laptop, tablet, wifi receiver at signal booster sa NBP.
Ayon kay Baligad, inilipat siya ng detention center para makontrol aniya ni Jaybee Sebastian ang drug trade sa National Penitentiary.
Si Baligad ay nakakulong sa kasong murder sa NBP mula 2008 at adviser ng pangkat ng Batang City Jail noong nangyari ang grenade throwing incident noong November 2012.
Bahagi ng pahayag ni Jojo Baligad
By Ralph Obina | Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)