Muling nag-walk-out si Senador Leila de Lima sa pagpapatuloy ng senate hearing hinggil sa extrajudicial killings.
Ito’y makaraang magkainitan sila ni Senate Committee on Justice and Human Rights Chairman Richard Gordon, kagabi.
Ayon kay Gordon, mahalagang impormasyon ang hawak ni De Lima sa kaso ng self-confessed Davao Death Squad hitman na si Edgar Matobato na dapat isapubliko.
Gayunman, iginiit ni De Lima na wala ng dapat ilabas na impormasyon lalo’t inihayag na ito ng testigo.
Umabot din sa punto na inawat na ang dalawa nina Senators Tito Sotto at Manny Pacquiao.
(Tinig nina Senators Dick Gordon, Leila de Lima, Tito Sotto at Manny Pacquiao)
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)